Wednesday, May 28, 2008

Ka Bel


Alay natin para sa yumaong kasama na hindi malilimutan kaylan man.
At lakip ang dalangin na sana ay kapiling siya ng poong maykapal
Para sa panibagong buhay tuloy ang mga panalangin....
na ipag-papatuloy natin ang magandang simulain na ginawa ng magiting na
kasamang Congressman KA BEL CRISPIN BELTRAN.


Di mo alintana ang kahirapan na iyong ipinaglaban
Kagitingan moy di malilimutan ng sambayanang sa iyo ay nagmamahal.
Migrante Geneva na iyong kaibigan,
Napalapit sa yung Puso at Nagmahal,Tinuring mong kasama at kaagapay.

Sa yung pag-panaw sa mundong ibabaw,
Bayani ka sa aming puso't isipan,
Nalulungkot ang lahat sa maaga mong paglisan,
Pilit mang iwaksi ang mga ala-ala,

Di mawawala sa puso't diwa,
Na may isang katulad mong tunay na dakila,
Nag-buwis ng buhay para sa bansa,
Lahat ng mahihirap sayo ay humanga,
Sa galing at tapang mo, bayani ka sa aming lahat.

Mabuhay ka KA BEL!
Ka Emy, Sec Gen, Migrante Geneva

0 Comments:

Post a Comment

<< Home